Verse 1
Nung unang panahon sa aklat ng Kronika
Matatagpuan isang hari ng Juda
May takot sa puso gaya ng sino man
Ngunit walang pag-aalinlangan
Siya'y lumuhod tumawag kay Yaweh
Kanyang idinulog ang kalabang kay dami
Diyos ay tumugon at sa kanya'y sinabi
Josafat wag kang matakot
Sila'y nag-ayuno sabay na nagpupuri
Lahat ay sama-sama pati na ang hari
Patnubay ni Yaweh sa kanila'y namalagi
Dahil sa panalangin banta ay napawi